hindi politikal ang lahat Enrico
(poem written in 1980 at the last page
of a law book)
umiinog ka sa isang kwadradong lohiko
ang kaliwa't kanan ay
pinapareho
ano man ang haba ng isa ay siya ring haba
ng kabila
hindi sa lahat ng araw sisigaw ang bibig
ang ibagsak at lumpagin
ang lahat ng anyo
ang haligi't bubong
ng bayan ng tao
meron ding panahon
sa pagtikom ng bibig
sa pag-aamo ng isang daluyong
sa pagbubukas palad ng dalawang kamao
tungo sa isang palakpak
sa isang kagandahan
ang isang hardin na puno ng mga
halamang malapit na matuyo
ay dadalawin din ng isang ulan
at magiging sariwa ang lahat
aawit ring muli ang mga ibong
nasa loob ng ating mga puso
hindi plakard ang lahat
hanggang kamatayan Enrico.
(poem written in 1980 at the last page
of a law book)
umiinog ka sa isang kwadradong lohiko
ang kaliwa't kanan ay
pinapareho
ano man ang haba ng isa ay siya ring haba
ng kabila
hindi sa lahat ng araw sisigaw ang bibig
ang ibagsak at lumpagin
ang lahat ng anyo
ang haligi't bubong
ng bayan ng tao
meron ding panahon
sa pagtikom ng bibig
sa pag-aamo ng isang daluyong
sa pagbubukas palad ng dalawang kamao
tungo sa isang palakpak
sa isang kagandahan
ang isang hardin na puno ng mga
halamang malapit na matuyo
ay dadalawin din ng isang ulan
at magiging sariwa ang lahat
aawit ring muli ang mga ibong
nasa loob ng ating mga puso
hindi plakard ang lahat
hanggang kamatayan Enrico.
No comments:
Post a Comment