ni Rolando Tinio
Sa poetry, you let things take shape,
Para bang nagpapatulo ng isperma sa tubig.
You start siyempre with memories,
‘Yung medyo malagkit, kahit mais
Na mais: love lost, dead dreams,
Rotten silences, and all
Manner of mourning basta’t murder.
Papatak ‘yan sa papel, ano. Parang pait,
Kakagat ang typewriter keys.
You sit up like the mother of anxieties.
Worried na worried hanggang magsalakip
Ang odds and ends ng inamag mong pag-ibig.
Jigsaw puzzle. Kung minsan, everything fits.
Pero sige ang pasada ng images
Hanggang makuha perfectly ang trick.
At parang amateur magician kang bilib
Sa sleight-of-hand na pinapraktis:
Nagsilid ng hangin sa buslo, dumukot,
By golly, see what you’ve got -
Bouquet of African daisies,
Kabit-kabit na kerchief,
Kung suwerte pa, a couple of pigeons,
Huhulagpos, be-blend sa katernong horizon,
You can’t say na kung saan hahapon.
No comments:
Post a Comment